Monday, February 21, 2011

ang Talambuhay ni Kevin R. Martinez


      
                             
               




tatlong taon pa lang ako.
Ako po ay si Kevin R. Martinez  dalawangpung apat taon gulang ipinanganak noong Nobyembre 29 1986, sa bayan ng Libmanan Camarines Sur. Ako po ay bunso sa dalawang magkapatid. Sa dami nangyari sa buhay ko mula pagkabata yung iba hindi ko na matandaan. Ang naalala ko lng yung anim na taon gulng pa lng ko ay naglalaro kami ng ng habulan ng mga kababata ko, dahil maabutan na ko dali-dali ako umakyat ng pader 7 feet ang taas ng nasa taas na ko  hinabol niya pa din ako sa taas. Ng nasa pinakadulo na ko bumaba na ko bigla at nahawakan ang paa ko, tapos nadulas ako bigla at nahulog sa ako tumama sa bakal ang aking ulo. Kaya meron ako poknat sa ulo, ang pakiramdam ko nun para lng ako binatukan sa ulo. Nagulat na lng ako ng sa sinabi ng kaibigan ko na may natulo na dugo ang akala ko ay pawis lngyun pala ay totoo sinasabi sakin.agad ako dinala sa ospital ng tiyo ko.at meron pa mas malala pa ang ngyari sakin ang hindi ko makalimutan katapusan nun ng santa Cruzan sa aming lugar magkakaroon ng sayawan. Sa araw na yun busy lahat ng kabataan sa pagkakabit ng bandiretas, at sa paghuhukay para paglagyan ng poste para sa bakodpaglalagyan kasi “PALAPA” ako yung naghuhukay at ang kaibiagan ko may hawak na “PIKO” habang naghuhukay ako akala niya tapos na ko bigla niya binuhat ang hawak niya tapos tumama sa ulo ko,napaduko ako bigla akala ko binatukan lng ako  yung pala ang hawak niya na piko ang tamam saakin. Ang lakas na agos ng dugo ang tumulo sa mukha ko.aaaaaray. dali-dali ako tumakbo papunta samin para hugasan ang sugat at diniretso na ko sa ospital.para gamotin at tahini ang sugat ko. Pero masaya pa din kahit may ribbon sa ulo ko hello kitty nga tawag sakin ngg mga kaibigan ko, magdamag kami sa sayawan hanggang matapos ang program.
ako at ang kapatid ko.
      Noong 1st year ako sa SABANG NATIONAL HIGH SCHOOL sa probinsiya naming bago lng ko kc at ako’y kabadoat parang ninerbiyos di ko pa kasi kilala mga studyante dito. Ang boring pala sa paaralan na ito kaya tinapos ko muna ang taon dito, ako ay huminto muna sa pagaaral at pumunta sa bahay ng madrasta ko.
Pinasok niya ako sa pinagtatrabahuhan ng kanyang kapatid sa Max’s Bake Shop sa Taguig City.mahigit isang buwan lng ko sa pinapasukan ko. Nagsisisi nga ko kung bakit pa ako umalis, Kasi gusto ko makapag-aral. Kinausap ako ng tiyo ko na sa san Pablo na lng ako tumira at magaral. Nahihiya pa ako kasi hindi kami close ng mga pinsan ko. Kaya lang boring dito wala pa ako masyado kilalana niyaya ko mga pinsan ko na maglaro ng basketball agad nila ko sinamahan, halos lahat ng nakalaban ko ay bilib saakin. Agad nila ako nilapitan tinanong kung anu pangalan ko. Sinali nila sa liga at kami ay nag kampeon ako ang tinanghal na mvp at mythical five
ako at ang pinsan ko, mythical five ako dito.
. Tuwang-tuwa ako dahil sa lahat ng nalaruan ko ngayon lng na mvp, sayang di ako nakasama sa inter-barangay sa amin. Makalipas ang isang buwan enrollment na sa Dizon High agad ako pumunta para alamin ang kkung anu ang requirements ng transferring. Nakumpleto kuna ang lahat.
mga kaibigan ko.

 Unang araw ng pasukan at ako ay nagpaenroll na, pagkatapos ko magpaenroll ng 2nd year hinanap ko agad ang silid-aralan ng nahanap ko na kinabukasan na ko pumasok kasi nahihiya pa ako at wala pa akong uniform na gagamitin. Pumunta na ako sa palengke para bumili ng school supplies at uniform. Sobrang excited na akong pumasok. Second day ng pasukan, an gaga ko nagising. Hindi na kasi ako makapaghintay. Habang naghihintay ako sa labas ng room habang walang pang teacher, pakiramdam ko out-of-place ako dahil walang kumakausap sa akin. Makalipas ang ilang araw, nag-election kami ng classroom officers, at sa kabutihang palad, nanalo ako bilang secretary. Medyo nakakahiya kasi lalaki ako, pero mabuti na in kasi noon ako nagsimulang magkaroon ng  mga kaibigan. Naging masaya ako kasama ang mga kaklase ko, kuya ang tawag nila sa akin kasi ako ang pinakamatanda sa klase. ang daming paligsahan noon 2nd year. At kagi kami panalo at dito pasaway din ako pag minsan florate at laura, nagpunta kami sa bahay para ayusin ang gagamitin ng props para sa laban kinabukasan. Magtatapusan na noon ng pasukan napag-usapan namin na magkaroon ng swimming pumayag ang lahat. Nakakalungkot nga lang bumaba ako ng section 3-C na ako sa sususnod na pasukan.bakasyon na naman nasa bahay lang ako tumulong sa bakery ng tiyahin ko, at may sahod pa. enrollment at pasukan na panibagong makikilala sa section na ito, ngunit wala pa kami adviser dalawang buwan daw pala leave si maam Claveria. Hindi ko akalain na sa section na ito ako sasaya di nila ako pinabayaan at sama-sama ang lahat na magkaklase, tuwing tanghale kila Patrick kami nakain minsan nagaambagan pa na bibila\i ng lulutuin. Nakasalubong ko mga dati kung kaklase nun 2nd year, ang sabi nila suplado na daw ako at hindi namamansin. Kasi naman kinalimutan na nila ako. Pag-sapit na agosto may oriemtation sa C.A.T  Volunteer marami kami pumunta na 3-C. kinabukasan papasok kami naka tack-in at may name plate pa, hindi tumagal ang iba kung kaklase kasi hindi kaya at nahihiya. Lahat ng nakakasalubong kung mga studynte ay pinagtatawana kami kasi taga linis lng daw at taga tapon ng basura, nagkakamali sila ito ay community service. Kahit naulan ng kunti hahakutin pa din naming, marami nagsasabi saakin na guro ang sipag ko daw, at hanga sila sa kasipagan ko. Karamihan sa mga kasama ko at mga officers ako na daw ang susunod na magiging CORP ng batch naming. Pagsapit na enero tinuruan kami humawak ng rifle. Dahil mamimili nan g limang kulay para sa graduation ng 4th year.dalawang kami nag-ensayo at todo ko pinagsikapan dahil matagal kuna pinapangarap na makadala ng bandila sa harap ng maraming tao. Kahit walang pasok nageensayo pa ako sa bahay. Huling linggo na pebrero inutusan ako ng pinuno naming na ihanay ang lahat na bulontaryo na C.A.T kinabahan ako kasi 1st time ko lang mag-command sa kanila at dito na din sasabihin kung sinu ang mga limang kulay. Kabado ang lahat di ko inaasahan ang sinabi nagulat na lang ako  kasi nakasama ako sa binanggit ni sir. Sabik na kami sa unang araw ng pag-eensayo, tuwing hapon kami nasa oval. Unang araw pa lang lambot na kami agad dahil sa patakda na ginagawa. Huling praktis na noon ng 4th year na ginanap sa dlsp at sinama kaming limang kulay para alam naming kung san dadaan at papasok papunta sa entablado.ninerbiyos kaming lima at nagkamali pa sa pagakyat, nakatingin samin ang lahat na studyante grabe [awis ko.ang init kasi at walang bentilador. Tatlong araw bago sumapit ang abril 4, namahinga muna kami kasi pag-sapit ng graduation hirap at pagod daw ang mararanasan naming lahat. Ang aga naming pumunta sa paaralan para mag-ayos at dadalhin ang lahat na gagamitin sa dlsp. Sakay kami lahat sa kotse ni sir calanasan, dun na din kami nananghalian alas dos ng japon ang simula ng programa, kami ay nageensayo pa para mapag-handaan ang pag-pasok at paglabas, simula nan g programa una kami pumasok at dahan-dahan ang paglakad. Na makarating na kami sa taas ay ngawit na kaming lahat at garabe ang pawis na natulo sa siko ko. Natapos din inayos na ulit ang mga gamit upng dalhin na sa paaralan. Tinawag kami lahat upang kumaen sa silid aklatan dun kasi ginanap ang catering. Pagkatapos kumain nagpasalamat na kami sa lahat at magkikita–kita na lng sa abril 12 para sa summer training.
ang pinakamasayang nangyari saakin.
    
       Sa mayo 8, 2010 natapos ang aming summer training at mayroon na kami ng designation. makalipas ng ilang linggo babalik na naman kami sa paaralan para sa brigada.wala na kami bakasyon binuhos na namin lahat sa brigaba. pag-sapit ng hunyo 7, ay  enrollment na, ang saya ko dahil nagkita-kita na kami ng mga kasamahan ko sa C.A.T, at mga kakalase ko. pagsapit ng pasukan ay wala pa kami adviser, makaraang ilang linggo umuwi ako sa bikol kasi hihahanap na ko ng aking ina. 


No comments:

Post a Comment